Sabado, Agosto 27, 2011

Do you still believe?

Hmmm marami na sa kulturang Pilipino ang hindi na pinaniniwalaan ng mga pinoy ngayon, ito ay dahil binago na ng makabagong teknolohiya ang kanilang mga kokote, mas naniniwala na sila ngaun na mamatay daw c Harry sa Deathly Hollow's II ng Harry Potter series tsaka may teaser daw ang Captain America ng The Avengers sa ending scene nito.

Isa sa mga nakakalimutan ng mga pinoy ay ang mga  "mythical creatures" natin. Kokonti na lamang ang naniniwala sa kanila, madala mga probinsyano, nauso kasi sila Sadako, Ju-ON, Wolfman, Michael Myers, Freddie Krueger at iba pa. Meron pa nga naniniwala sa Zombies e (haha). Isa-isahin natin ang mga sikat na sikat na mga creatures na ito:

NUNO SA PUNSO:

Ang mga nuno sa punso ay ang mga nilalang na naninirahan sa tumpok ng lupa na tinatawag na "punso" ( kaya nga nuno sa punso db?). Ayon sa matatanda, ang punso daw ay ang kanilang tirahan, naisip ko bgla noon, bahay nila yun?, may mga electric fan kaya sila don, o kaya TV? (haha) . Sabi din nila may kakayahan daw silang palakihin ang anumang parte ng iyong katawan. Dahil sa paniniwalang ito ng lolo at lola ko, pinangarap kong manuno nung bata pa ko, at ang gusto kong lumaki sakin ay ang aking...... katawan (mahirap pag yung tootoot mabigat dalin nun). Bakit nga ba wala ng naniniwala sa kanila?. Dahil ayon sa pagreresearch, ang mga punso pala ay tirahan lang ng mga termites at  hindi ng mga nuno na kayang magpalaki ng tootoot. Napagtanto ko na rin ito noong umuwi kami ng Nueva Ecija ng mga pinsan ko,  pagbabatuhin ba naman ung punso tapos sumisigaw ng "Hoy! nuno! lumabas ka jan, palakihin mo ano ko", sabay labas nung nuno oh, "Hey shut the fuck up!, dickhead!, we're not real, we are just mere imaginations of your gramps to scare the shit out of your fuckin ass", haha. Ayun wala namang nangyari sa pinsan ko bukod sa lumaki siyang gago.

DUWENDE

Isa ang mga duwende sa nakakalimutan ng ibang pinoy, para din silang mga nuno sa punso, mas cool lang sila ng konti, kasi naisama sila sa isang sikat na fairy tale. Sabi ng mga oldies,may dalawang types daw ang mga duwende, itim at puti, mabuti at masama. Naalala ko nung kelan, may mga batang nagkkwentuhan tungkol sa duwende, sabi nung isang bata
"pag ba may puti atsaka ano,itim na duwende kanino ka sasamaaa?" sagot naman ung isa " Eh diiii sa Puteeee mabaet sya eee", " Paano kung yung puti naging itim tapos yung itim naging puteee?", " e di sa itiiim". Taena gusto ko sumabat "bakit kayo sasama jan eh mga dwende yan, di ba kayo tinuruan ng mga nanay nyo na don't talk to strangers"
Lokong mga bata, tanghaling tapat nagtatakutan. May isa naman akong kaibigan na may kakilala na may alaga daw duwende, na nagbibigay daw ng ginto,ang dwende na to daw ay prinisipe sa lugar nila, at kapag binigay ang gusto nya bibigyan daw ng ginto. One time daw inalayan nila ng softdrinks, COKE nag yeyelo, hindi daw ininom, ang gusto COKE ZERO( haha taena choosy, gusto sugarfree), inalayan din nila ito Chicken Mcdo,ayaw ng legs, gusto thigh part haha.
Sa ngayon meron pa din naman mga believers ang mga dwende, sila yung mga taong nag oorasyon pag umiihi. " Tabi tabi po, makikiihi lang po"  (haha).

TIKBALANG

Ang uri ng nlalang na ito ay masasabi kong extinct na sa pag- iisip ng mga pinoy (kahit sakin e). Ayon sa matatanda sila ay ang mga nilalang na half man half horse, ( marami ngayon nyan sa manila haha) sila daw ay may kakayahan iligaw ang mga tao kapag naglalaro ng taguang pung sa kagubatan ( haha). Nung bata pa ako ( laging ako eh no? natural ako gmawa  nito e) kala ko sila yung sinisgaw nung baranggay chairman namen na " Mga bata sa loob ng paraiso, mag siuwi na kayo, meh CARPIO (curfew) na" haha takot na takot pa ko, baka maabutan ako. Okay balik tayo sa topic, sabi ng aking reliable source,walang iba kung di ang aking lola, may technique daw para mapasunod sila ( parng RPG no?meh tetnik pa). Mabilis daw silang maakit sa mga kababaihan lalo sa mga kamuka ni Solenn Heussaff. Kaya kung babae ka at kamuka mo si Solenn ang gagawin mo lang ay akitin  sila at kapag tulo laway na sila, bumunot ka daw ng hibla ng buntot nila, at mapapasunod mo na sila . Pero kailangan daw talgang maging maingat, dahil kung napaginit mo sila ng todo, humanda ka, remember kabayo un, daig mo pa narape ng egoy hahaha.

TIYANAK/ IMPAKTO

Isa ito sa mga sikat na sikat na panakot sa atin ng ating mga nanay pag hindi tayo nagsisimba, " Sige magiging tyanak ka pag d ka nagsimba"... " eeh uq maging impakto"...Sila yung mga nilalang na may anyong bata, at kapag nakyutan ka sa kanila at iyong kinarga , you're dead meat, kaon ka sa neck, haha. Sila din yung madalas tawagin na " Anak ni Janice",
taena bakit ba sila anak ni Janice de Belen?. Dahil daw si Janice yung gumanap sa palabas na IMPAKTO . Hindi na sila naawa sa mga anak ni Janice in real life, sinira ng palabas na yan ang pagkatao ng mga ito, biruin mo ang dameng anak ni Janice, lahat yun Impakto tawag haha. Paano pag pumapasok sila sa school, "waaaah anak ni Janice, Impakto yan, go away freak!" kawawa naman sila. Sabi din ng mga matatanda, sila daw ang mga batang  hindi nabinyagan nung maliliit pa sila, hindi talaga totoo to, si Jesus Christ nga bininyagan nung 30yrs old sya e. ( ayon sa google haha)

MANANANGGAL

Eto ang pinaka sikat na mythical creatures ng pinas, kumabaga sa artista, beterano. Ang manananggal/TIKTIK ay isang nilalang na may komplikadong pamumuhay, sila lang kasi yung kalahati kapag may duty. Alam nating lahat na  nahahati sila sa dalawa at ang trip neto ay ang mga babaeng buntis, madalas ang tambayan nila ay sa bubungan ng bahay. Madalas din silang tawaging TIKTIK, dahil sa ingay ng pagkutkot nila sa bubungan, lalo na pag ang tapal sa bubong eh vulca seal. Siyempre may naalala na naman ako nung bata pa ko (haha kasama sa bayad un haha), gustong gusto ko panuorin ung isang episode nung shake rattle and roll noon, may isang eksena don na ung babaeng manananggal, bago pa mahati sa dalawa ang kanyang seksing katawan, nagpapahid muna siya ng langis, (lubricant te haha?), at ginagawa niya ito in a seductive way,(taena haha) siyempre bata pa ko non, kala q nakakatakot pa ung ganung eksena, ngaun ko lang na-realize na seductive pla yun hahaha. Ngayon wala ng naniniwala sa kanila, alam mo kung bakit?. nauso kasi ang Edward-Bella-Jacob love triangle e. haha Tsaka kung iisipin mo, pag may isang  manananggal na maganda at seksi gaya ng napanuod ko noon, at iniwan nya ang kalahati ng katawan niya sa isang liblib na lugar, nako yari sa adik yun (isipin mo kung bakit haha).


WHITE LADY

Marami pa din naman ang naniniwala sa kanila, sinama ko lang ito dahil isa din to sa mga sikat paranormal entity sa ating bansa ( oh dba mala jaime licauco ang kosa nyo). Sabi nila ang mga White Lady, ay mga kaluluwa ng babae ( lady nga e) na minsan humihinge ng tulong at minsan nman trip lang nilang takutin ka. Bakit nga ba White?  bakit hindi Red para mas bloody tignan, Green para mukhang uhog? Ang sagot jan, hindi ko alam, pero sabi nila Black daw talaga dati yan. Kasi nung unang panahon, nung hindi pa uso ang face powder, may magkakatropa na nag ppicnik sa gabe (gandang 3p no), meron daw silang narining na babae na nagsasalita na "Black Lady ako eto na ko", sabi nung magkakatropa " Nasaan di ka namen makita".... napaisip bigla si Black Lady at nagsbe na " Shet sabi na dapat nag white ako e"..at mula noon white na lagi ang kniyang sinusuot. Ayun ang kwento, (text mo ko kung korni ). Anyway back to the topic, sinsabi din nila na ang mga White Lady daw ay mga naliligaw na ispirito na klangan ng gabay at panalangin.Madalas mamataan ang mga ito sa mga liblib na lugar, yung tipong alang makakakita sa kanila. So pano mo sila makikita?. haha Dapat tumatambay sila sa mga mall e no?. haha para paglabas nila, sisigaw ung mga tao " Pare white lady o".. " Oo nga shet, tara papicture tayo". (pasensya na sa pic, di sya totoong white lady, gf sya ni derek)


Ayan ang mga ilan sa mga mythical creatures na minsan hindi na pinaniniwalaan ng mga pinoy, tandaan nyo sa atin lang meron nyan, dapat maging proud tayo hahaha. Wala naman masama kung hindi sila paniwalaan, wala din naman mawawala kung paniniwalaan, pero baka malay mo, pag hnidi ka naniwala sa kanila, magpakita sila sayo, lalo na yung last? BWAHAHAHA echos. Lagi lang tandaan na wala ng ibang mas totoo pa sa Panginoon naten.Huwag natin kalimutan manalangin at mag sabi ng "tabi tabi po" kapag iihi  sa liblib na lugar, hahaha

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento