Sabado, Agosto 27, 2011

Block 1 ver. 2.0

December 15, 2018
9:00am

Nagising ako sa sudden turbulence ng eroplano (haha), pauwi na ko ng pinas galing sa isang bakasyon sa states, sakto naman nag announce ang piloto" Ladies and Gentlemen, please fasten your seat belts, we will be landing in about 1 hour"(di ko alam kung anu tlga sinsabe nila haha)Tapos ng script ng piloto, biglang" To Mr. Jayson Cortez, maari po lamang gumising na kayo, meh Xmas party pa tayu mamaya" nagulat ako ng marining ko to kaya tinanong ko agad sa isang flight attendant kung anu pangalan nung piloto, " Carl Michael Ching po sir"  sabi ni FA. Nagulat nanaman ako ng marinig ko yun. Agad agad akong pumunta sa "control room" (haha) para makita ang namiss na kaibigan.

"Besfwen, Musta?" sabi ni chek
"Taena pre, Bigtime pilot ka na" sagot ko

After ng umatikabong kamustahan, siinabi nya  sakin na may Xmas party ang BLock 1 mamayang 7pm, kaya pagkatpos ng flight nya sabay na kameng pupunta don.

10:00am
Philippines

Sa wakas Pinas na din, nsa waiting area ako, hinhntay si inchek, may lumapit sakin isang babae,

"Is this seat taken" sabi nya (englishera!)
“No," , pailing na sagot ko

So nakatabi ko ang babae na pamilyar ang mukha saken, may hinihintay din siguro siya, sabay labas ng phone nya at nag dial, nilagay ang phone sa knyang tengang may magarbong hikaw at nag sabing

“Heart, nasan ka na, dito lang  ako sa may waiting shed, may katabing, lalake na naka amerkana"

Nagulat  ako at napatingin sa kanya at nag sabing

" Keith? ikaw ba yan"
 " Hahaha, di mo ko nakilala Jay?, kamusta na?" sagot ni keith

So nagkamustahan ulit kami, nang dumating si  Inchek, sinabi niya na aattend sila ng Xmas party, at tinanung kung sasama ako. Napa- isip ako kung makakapunta ako, dahil pagod ako sa biyahe,may jet lag (naks). Kaya habang d pa ko nakakapag decide, inaya nila ako sumabay sa kanila para maglunch.

" Sabay ka samen mag lunch son"  sabi ni chek
" May alam kami na masarap na kainan malapit d2" sabat ni keith
" Sige ba, basta sagot nyo e" payabang na sagot ko

So sumabay ako ng kaen sa kanila, sumakay kame, s bagong model ng Chevrolet, ni inchek, bigatin parang kotse ni batman, ibat iba ang mga gadgets. Umandar yung car (siympre) at huminto sa isang restaurant na may pamilyar na pangalan

10:30am
Moreto's Place

Nakatulog sa haba ng biyahe, ginisng ako ni Inchek habang pinapark ang high-tech na kotse.

" Gising na par, dito na tyo" sabi ni chek
" Moreto's? sounds familiar" sagot ko na medyo groggy

Pumasok kami sa loob at umupo sa mesang may tatlong upuan, lapit ang waiter, nagtanung ng order,
Umorder yung dalawa, ng specialty ng resto, Caldereta ala Princesa. Naghintay ng order, wait lang daw kame ng 15 mins.Habang naghihintay, nanuod muna kame ng TV gamit ang hightech portable HD television ni Inchek. Namangha kami sa aming napanood, dahil ang bagong Miss Philippines ngaung 2020 ay walang iba kung hindi si  Ma. Kristina Eleria,

" Si Tina ba yun pare?"  gulat na tanung q
" Oo pre, haha bigtime na" sagot ni inchek
" Sasama kaya siya mamaya" tanung q
" Oo pre" sagot ni chek

After malaman to, dumating na ung inorder namen, mukhang masarap. Iba to may presentation pa at ang nagserve samin ay ang chef ng resto

" Sir, here is your Spicy Caldereta ala Princessa"

Ako'y nagulat sa aking nakita, si Princess Jacqueline Moreto. Siya pala may ari ng resto at siya rin ang master chef(haha)

" Sabi ko na e kay ate Ces to e haha" sabi ko na may ngiti sa aking labi
" Haha kamusta Jay?" sagot ni ate ces
" Sabi sayo Jay  magugustuhan mo dito e" sabi ni keith

Matapos ang mahabang kamustahan at  tawanan, sumabay na din sa amin ng kaen si ate cesz. Nabusog, napadighay, at nagpahinga bago umuwi. Bago kami lumabas ng pintuan ng Moreto's Place, hinabol kami ni ate ces para ibigay ang isang box ng Brazo De Mercedes at sinabing magkita kita na lang kami mamaya sa X-mas party. At nung makalabas na kami.

" Ano son, hatid ka na namin pauwi?" tanung ni chek
" Hindi na pre, may pupuntahan pa ata kayu e, Mag Taxi na lang aq" sagot ko
" Sige ikaw bahala, kita2 na lang tayu mamaya" sabi ni chek

11:15am
Outside Moreto's Place

So umalis na sila, nausukan pa ko ng kotse nila, habang nagsisindi ng yosi.naglakad nag kaunti para pumara ng taxi. nakakita ako ng nagkukumpol kumpol na tao sa may kanto. " anung meron" tanung ko sa aking sarili. Shooting pala ng isang pelikula, so naki-usi aq sa mga tao dun upang makita ng artista. Julia Montes ang nakita ko, (malaki na si Clara). Nakita ko din ang leading man nya na pamilyar ang muka, so nagtanung ako sa mga kapwa ko usisero,

"Sino yung lalaki brad? gwapo ah" tanung ko,
" Rhonan Alonzo pre, yung nanalong PBB Housemate nung season 10" sagot ng machong usi (mga bakla haha)

Gulat ng malaman kong si Rhonan pala ay artista na, hinintay kong matapos ang eksena nila ni Clara (haha).
Nang matapos yun pinuntahan ko ang kaibgan at tinapik sa likod

" Ui nan" sabi ko
" Excuse me?" pabiro nyang sagot
" Taenamo suplado ka na, porket artista ka na" sabi ko
" haha biro lang pre, musta na, sama ka maya sa X-mas Party?" sagot ni rhonan

Matapos ang mahabang yakapan, broke backan, picturan sa artistang kaibigan ako ay nagpaalam na dahil uwing uwi na ko at ako'y pagod na. So sa wakas nakasakay na din ng taxi, at naka2log sa sobrang pagod.

11:30am
Loob ng taxi

Nagising ako dahil may tumawag sa aking phone ang aking nkababatang kapatid, si Cathy Rose,na ngayon ay  lead singer ng girl group na PUSAKAT CHIQZ na tumalo kay Mocha at sa Pussycat Dolls.

Cathy: " Kuya, nakauwi ka na ba? Yung sinabi mu sakin na Rambo na kulay green nasan na? tagal mu ng pangako sakin un ah?"
Jay: " Hindi pa, taxi pa lang ako, bkas ko na bigay, bukas drating yung mga bagahe ko"
Cathy: Sige , umattend ka mamaya ah, magpeperform ang Pusakat mamaya
Jay: Sige,

Pagkatapos ng napakahabang usapan na un, napasilip ako sa bintana ng taxi, at nakita ang naglalakihang billboard . Namangha sa laki ng billboard nila Julian Aurine Flores at Camille Tosca Punzalan, na tinaguriang Asia's Top Models ngaung 2020 at ang mga suot nila ay mga designs ni E.j. Sayo. After mamangha ako'y natulog ulit dahil akoy inaantok pa.

12:30pm
Bahay

Hindi ko na namalayan na huminto na pala yung taxi at nasa bahay na pala ako. Ginisng ako ni manong driver. nagising naman (awa ng diyos). at nag bayad ng 500 kahit na ang metro ay 350 lang. sabay sabi ng "keep the change po". nag paslamat si manong, at ako'y bumaba na ng taxi.

Sa loob ng bahay, nilapag ko sa  sa aking Japanese Table na worth 20k ang Braso De Mercedes, binuksan ang  silyadong kahon (parang ayaw pakaen), tumikim nag kaunti,. Tapos umakyat na sa kwarto ko, dahil puro tulog na ang ginawa ko kanina, hindi na ko maktulog. So nanuod na lang ako ng tv, naglipat lipat ng channel, nang napatigil sa myx dahil sa bandang  PIXIES, isang all girl band na binubuo nina, Frances Monel Anchoriz, lead vocals, Joyce Nebres, lead gutarist, Clarhiz Dela Cruz, on bass, Elaine dela Cruz, on keyboards and Cecilia Osia on drums.
Ang ganda ng kinakanta nila, bagong bago, KASTILYONG BUHANGIN ( ni revive nila HAHA). Matapos ko silang mapanuod, nilipat ko na sa news, at ang sabi sa balita, nasa pinas daw ang isang miyembro ng BABAWAKIZ, (ang dance group na nanalo sa AMERICA's BEST DANCE CREW), na si Richard Morales, ayon sa balita nasa pinas daw xa dahil mayron siyang aattenang X-mas Party. Tapos kong mapanuod ang balitang yon, ako' ay tinamaan ng antok, so minabuti kong matulog muna.

2:00pm
Kuwarto

Nagising ako dahil sa tahol ng aso ng kapitbahay, nagring ang phone, si Cathy, tumatawag  na naman, at ang sabi

Cathy: Kuya, nasa bahay ka na ba? Favor naman,
Jay: Oo kanina pa, nakapag pahinga na nga e, oh anu un?
Cathy: Tutal hindi mo maibibigay  yung Rambong green ko, bili mo na lang ako ng book
Jay: Oh anung title ng libro?
Cathy: Huling Landi ni Lola
Jay: Tang ina pamagat yan, sino ba author nyan?
Cathy: Hindi ko alam ee hanapin mo na lang sa mga bookstore, ha?, sige bbye na magaayus pa ko para Xmas party, love you:

Hindi pa ko nkaka-oo sa favor nya narinig ko na agad ang universal tone na, *toot*toot*toot*, binabaan na ko, kaya tinext ko siya, " Cge ha2npin q n lng sa National, sasabay ka ba sken mamaya", sinend ko, message sending failed, walang signal, so pumanik ako ng rooftop, sigurado meron na to, message sent, ayun okay na, naghintay ng mga ilang segundo, nagreply siya, " hndi na, daanan q pa si mameng sa Salon Ganiza e dun na din kame papaayos", so hndi ko na xa nirplyan,knowing na hindi na siya sasbay sakin.

Ang Salon Ganiza, ay sikat na Salon sa Pilipinas na pagmamay-ari ni Camille Reyes, dito nagpapaayus ang mga kilalang artista tulad nila Sam Milby, Piolo Pascual, Enchong Dee at iba pa,

Matapos pakikipagtext kay cathy, bumaba na ko ng rooftop, naghubad ng damit, at derecho sa banyo, naligo, habang kumakanta, ng Pasko na sinta ko, natapos maligo, nagbihis, nagbaon ng pang gym, umalis ng bahay at nagtungo sa MOA para mag-gym

3:00pm
Sm Mall Of Asia

Nagpasya akong mag MOA dahil gusto ko muna mag gym bago umattend ng X-mas Party (para buffed), at eto lang ang mall na may gym, ito ay ang M2M Fitness Gym, na ang nagmamay-ari ay sina Mark Anthony Aranzanso at Mark Kelly Cortes. Sila ay nasurpresa sa aking pagbabalik kaya ang aking pag ggym ay nauwi sa isang mahabang kwentuhan

Mark: Musta na son, bigtime ka na ah pa states states ka na lang
Kelly: Oo nga painom ka naman,
Jay: Mamaya pre after naten dito,
Mark: Sabi mo yan ah,
Kelly: Sabay2 na tayung bumili ng pang regalo pra sa Xmas party mamaya

After ng kwentuhan, nagpasya kming maghiwa hiwalay para  bumili ng pang regalo, (di na ko nakapag gym). May nadaanan akong isang boutique na ang tinda mga damit ay for both men and women, AMALANG's Boutique, pamilyar, kaya pumasok ako at nag browse ng mga lingerie, dahil T-back ang trip kong pang regalo sa exchange gift (haha). Biglang may bumulong sa likod ko na may pamilyar na boses

"Ano ba yan, kalalaking tao, t-back ang tnitgnan"


Ako ay natwa ng marinig ko yun at napalingon nang ako'y magulat sa aking nakita, si John Paul Amalang

Jay: Ui Bakla anu ginagwa mo dito!?
JP: Gaga sa akin tong boutique na to

Jay: Wow Bigtime ka na ah, sayo lahat to?
JP: Oo, bakit t-back yan tinitgnan mo
Jay: Eto pang reregalo ko sa Xmas party mamaya, Sasama ka ba?]
JP: Oo, oh sige na may aayusin pa ko sa office, kita na lang tayu mamaya
Jay: sige2

Matapos ang mahabang kwentuhan with John Paul Amalang at pagkatapos kong mabili ang red na t-back na ipang reregalo ko, nakipagkita na ako ulit kila Mark at Kelly para mag chill, tutal nasa MOA na kami, dun na lang din kami nag hanap ng maiinuman, at may nakita nga kaming resto bar na may pamilyar na namn na pangalan


4:30 pm
BOK'S PAD

Isang bagong bukas na resto bar na malapit sa MOA ang naisipan namin puntahan para magchill, and as we enter the place, sinalubong agad kami ng may ari ng bar, si Victor Bayhonan, binigyan nya kami ng libreng drinks, at libreng chicks (haha). Naki inom na rin samin si bok habang kami ay nagkkwentuhan.

Jay: Ayos tong Business mo Bok ah, di ka kaya mahuli dito?
Bok: May proteksyon tayu kay Gen. Tria pare, walang huli to
Mark: Tria? Si Ranjy ba yun?
Bok: Oo pare, kahit ilang babae bigay ko sa inyo pwede
Kelly: Bigtime ka na bok, penge ngang 4 jan, yung mapuputi ah
Jay: Bigtime na din si ranjy General na, Sama ba kayu sa Xmas party mamaya?
Bok: try kong sumunod Jay, dami ko aasikasuhin dito e
Jay: cge2

After ng pandaliang inuman at aliw. nauna ng umuwi sila Mark at Kelly, dahil magbibhis pa sila para sa Xmas party

nagsindi ako ng yosi, nagpahangin saglit sa seaside ng MOA, at nagpunta sa National Book Store para bumili ng libro na ni rerequest sakin ni Cathy,

5:20:pm
National Bookstore

Sa kadahalinang hindi alam ni Cathy yung author ng librong Huling Landi ni Lola, minabuti kong maglibot libot sa loob ng bookstore at hanapin ang libro. Subalit bago ko pa ilapag ang aking kamay sa mga naka hilerang libro. Nakakita ako ng isang pila ng mga tao, kaya ako'y nagtanung sa katabi kong nagbabasa ng libro

Jay: Ms anung ganap don? bakit may pila
Babae: Ah autograph signing ng author ng Huling Landi Lola

Nang marinig ko yun dali dali akong pumunta doon sa pila, at kumuha ng librong Huling Landi ni Lola, tapos kong mkakuha ng kopya ng libro, tinignan ko yung name ng author at namangha.Huling Landi ni lola by Maido Figueroa.

Nagulat ako ng makita ko ang pangalan ng kaibigan kaya, nagpasya akong maki pila sa mga fans nya at humingi di ng autograph. Nang libro ko na ang kaniyang pipirmahan

Jay: Hello Sir Maido, big fan nyo po ako, napakaganda talaga ng libro mong Huling landi ng lola
Maido: UI JAY! kamusta na! nagulat ako sayo ah!
Jay: Haha Bigtime ka na . di ka lang pala blogger, writer ka na din

Dahil sa pagkikita namin na to, nakalimtan na ni Maido na marami pa siyang pipirmahang libro, kaya ang autograph signing ay naudlot, bukas na lang daw. Sumama siya sa akin para makipag kamustahan, lumabas kami ng bookstore at nagpunta sa isang coffee shop para mag kape (natural)

6:00pm
Starbucks

Malamig, kaya hot coffee lang ang inorder ko, mocha frapp kay maido. Nagtaka kami dahil sa labas pa lang madami ng mga taong nakabarong, nakashades at ani mo'y mga sundalong nagbabantay, (naks ani mo'y) , parang may isang pulitikong  nagkakape, nagtanung si Maido sa isang server

Maido: Ms excuse me?. bakit marming security guard dito
Jay: Nandito ba si Mayor?
Server: Hindi po si mayor, si Congressman Lao po nagkakape po, dito xa madalas  magkape e
Maido: Aba si Mikhail Lao pala, tara son puntahan nten,
Jay: Oo tama ,tanung nten kung sasama ba siya mamaya

Nang lalapit na kami keh Congressman Mik, hinarang kami ng mga body guard niya, pero nakilala nya  kaagad kami kaya pinigilan nya ang mga body guards niya

BG: Oi anung kylngan nyo keh congressman, assassin kayo no?
Jay: ichura naming to? assassin? tropa namen si congressman
Mik: bitawan mo sila, kilala ko yang mga yan
Maido: Mik Bigtime ka na, dami ng bodyguard
Jay: Sama ka ba mamaya sa Xmas party?
Mik: Oo anung oras ba
Maido: 7pm po congressman

Matapos ang kwentuhan kasma si congressman, nagpasya kaming 3 na sabay ng pumunta sa Xmas party, at magkape muna habang naghihintay ng oras. After ng kapehan, sinabay na kami ni Mik sa kanyang sasakyan at tumuloy na sa lugar kung saan gaganapin ang Xmas Party

7:30pm
The Angels Tower Hotel

Eto na ang pinakahihintay ng lahat, after nine years nagkitakita din ang mga magkakaklse, sinadya naming tatlong magpalate, in short mga pa-star kami. Ako'y namangha dahil napaka garbo at engrande ng hotel na aming pnuntahan.

Jay: Pare ang gnda naman nito? wala sa states nito ah.anung hotel to
Maido: The Angels Tower Hotel to pare. ang ganda no
Jay: Talaga? sino may ari?
Mik: Si Angela Torres tsaka si Angel Fajardo
Jay: Wow bigtime, ganda dito ah,

Matapos ang pagamangha, nauna ng pumasok si Maido sa loob habang naiwan kami sa labas ni Mik para magyosi.
Medyo naging usapang illegal ang aming topic

Mik: musta ka na son, balita ko ikaw na presidente ka ng Cortex Telecommunications a
Jay: Oo pre, hindi madali pinagdaanan ko e,talgang pinagtyagaan ko to,
Mik: Oh ayus yan.
Jay: Ikaw ba, bakit pinili mo mag pulitiko
Mik: Simple lang pare, gusto ko makapg lingkod sa bayan
Jay: Ulul, mangungurakot ka lang e!
Mik: Haha gago, pare baka may alam kang pwedeng supplyan ngi Mary Jane  ah
Jay: Puta ka di ka pa rin nagbago
Mik: Mas malaki kita e haha
Jay: Haha sige marami sa lugar namin, 50/50 hatian ah?
Mik: Sige ba!

Tapos ng usapang marijuana with Mik, nauna siyang pumasok sakin sa loob, nagsindi ulit ako ng yosi. Nang matapos ko na ang isang stick na yon, nakita ko sa malayo ang isang grupo ng kababaihan, na nakauniform pa na pang flight attendant. Sila Jemma, Rose Ann, Katrina, Anna,at yung dalwang April,

Jemma: Ui son bkit nanjan ka pa, magsstart na ata yung program sa loob
Jay: Ah cge una na kayo , yosi lang ako saglet
Katrina: Balita ko presidente ka n ng isang kompanya ah
Jay: Haha oo, pero hindi pa talaga sakin yun, may transition chorva pa na gagawin,pero parang ako na nga din
Anna: Wow bigtime, oh sige una na kami sa loob, magpapalit pa kami ng damit
Jay: oh sige2

Matapos ang maikiling batian, naubos ko na ang yosi at tuluyan ng pumasok sa loob ng hotel, sa lobby pa lang, kapansin pansin ang mga flower arrangements, magaganda, mababango, at talagang engrande ang pagkakagawa. Sa isang parte ng lobby, Nakita ko sila Romina at kate, magkatulong silang inaayus ang mga bulaklak para mag mukhang mas engrande ang mga ito. Nilapitan ko sila upang tumlong na din

Jay: tulungan ko na kayo jan
Romina: Huy Son, kamusta na kakarating mo lang?.
Jay: Ayus lang  nman, kanina pa ko, nagyosi lang aq sa labas, cool ng flower arrangements nyo ah
Kate: Rosa in Fiore flower  shop son, wag mo kakalimtan yan, kami ang namili at nagdesign ng mga bulalak dito
Jay: Ah talaga sa flowershop nyo to? cool, sa kasal ko sa inyo ko kukuha ng mga bulaklak ah
Romina: Sige sabi mo yan ah, haha sino na nga ba ang masuwerteng babae
Kate: Si mameng na ba?
Jay: Ha? haha hindi ah. haha wala pa

Habang tinutulungan ko sila sa pagaayos, biglang may pumasok na isang mala-anghel na binibini, na mahaba ang buhok, ang kanyang alindog ay talgang kaakit akit  ang mga mata na akala mo'y mga bituin sa langit, kutis porslena mula ulo hnggang paa,gusto ko sana siyang lapitan pero hindi makuha ng aking mga paa na humakbang dahil sa sobrang pagtibok ng aking puso. Kaya hindi maiwasang kusang bumuka ang aking bibig at nanatiling naknganga, nang biglang may tumapik sa aking likuran

Chard: Ganda ni mameng no?
Jay: Ha?, tang ina, niloloko mo ba ko?, si mameng? magnda?siympre oo hahaha
Chard: Kaw kasi dre e, pinakawlan mo pa e
Jay: Haha uu nga e, sayang no?.
Chard: Di ka kc mkpag hintay eh
Jay: Oo , sorry na, okay na?
Chard: haha gago!, sige pre pasok na ko sa loob, magpeperform na ata yung PIXIES, haha alam mo na
Jay: Haha sige,una ka na

Matapos ang usapan with Chard,umupo sa labi, nagbasa ng text, puro GM ni Maggie ,on the way na daw siya galing sa Maggie Essential dahil nag pa breast augmentation pa sa kanya si Madam Auring, at sa dulo ng text , GM X-mas party here i come,. After mabasa ang GM, nakita ko naman ang dalawang may-ari ng hotel, sina Angel at Angela , suot ang kanilang simple pero astig na cocktail dress,aligaga, para bang may hinahanap, nilapitan nila ko at nagtanung

Angela: Son,nakita mo ba si Ilyn?.
Jay: Hindi eh bakit?.
Angela: Siya kasi ung interior designer ng hotel, eh kylangan ko siya para i-tour kayo sa hotel at i-explain ang mga special features nito
Jay: Wow bigtime, hindi ko nakita e, sige hanapin naten

Bago pa ko umalis sa aking kinatatayuan,may parang, umaamoy ng aking pwet, napalingon ako, isang Chow2, ang cute, at biglang may sumigaw

Angel: Andoy, stop!, dirty yan!
Jay: ui gago ka ah, sayo to nel?
Angel: Oo, kyut diba, mahal bili ko diyan
Jay: Di ko tinatanung,haha, san mo nabili
Angel: Sa pet shop ni Bea, yung Animal Instinct, alm mu ba un?
Jay: Uu dun ko binili ung alaga kong Ostrich e, itlog pa lang un nung nabili ko, ngaun malaki na

Habang nagkukuwentuhan kami ni Angel ng tungkol sa hayupan, nahanap na pala ni Angela si Iyn, nasa 2nd floor lang naman pala ng hotel, kasama si Bea at si Dianne, palapit sila samin para sabihing

Angela: huy guys tara na, magsisimula na tayo, nandito na sila Ilyn
Jay: San ka ba kasi galing bitch
Ilyn: kausap ko lang si dianne, magpapagawa kasi siya ng simbahan, ako yung gusto niya magplano
Jay: Aba Architect ka dn pala ah
Ilyn: Siympre ako pa
Jay: ikaw na, bitch, the best ka e
Bea: tra na pasok na tayu sa loob, nang makapagsimula na,
Jay: tara sabay2 na tayong pumasok


8:00pm
Block 1's Christmas Party
The Angels Tower Hotel

So pumasok na kami, excited ako,at alam kong sila din, eto na to, ang pinakahihintay ng lahat, after 9 years, madami na ang naganap, maraming pagbabago, ang hindi lang nagbago, ay ang pagiging solido ng grupo. Pumunta ako sa mesa kung saan nandon ang tropa, ang LTG, kumpleto, nandiyan Sina Rhonan, Chek, Kelly, Chard Maido at Mark, ansarap tignan nandiyan ang lahat, umupo ako sa tabi nila, ganun pa rin ang biruan, basagan, asaran at tawanan, nakalimutan namin na matatanda na kami, ang saya sobra

Sa kabilang mesa naman, nandon ang grupo nila jemma, kasama si Jenny Barraca, na isa nang sikat na cosplayer, ang lupet, dinaig na niya si Alodia Gosiengfiao, at si Maricris Landicho, na isa ng sikat na columnista, kita ko ang bakas ng kasiyahan at pagkasabik sa kanilang mga pag ngiti, naririnig ko pa ang kanilang mga kamustahan, ang sarap ding pakinggan.

Sa isang mesa malapit sa entablado, nandun sila Mameng, Tina, Jp nakarating na din pala si Jennilyn Yap don, galing sa isang board meeting sa kaniyang kompanya,ang In Seinze Zhue (kalaban ng kompanya ko, haha), dun siguro sila pmuwesto para masuportahan ang kaibgang si Cathy,mag peperform na kasi sila, napatingin ako sa entablado, nakita ko si cathy, ang ganda niya, napatingin din siya sa akin, sabay kabog sa kanyang dibdib at tumuro sa akin, naluha ako, di ko alam kung bakit, ang alm ko lang, ay proud ako sa kanya, kaya ang nagawa ko na lang ay punasan ang luha, at kumabog sa dib dib at sabay turo sa kanya.

Sa katabing mesa, hindi matigil ang hiyawan nila  Ate Ces, Bea, Kate, Romina at Dianne, di ko alam kung bakit, pero napapatawa din ako, na para bang alam ko ang pinaguusapan nila, natatawa din ako, dahil sa tawa ni ate Ces, ang cute, namiss ko yun, ang saya nila, walang nagbago,

Mapapansin din ang palakad lakad na si Angela, tinitignan niya kung kumpleto na ang lahat para makapagsimula na,di nagbago, alaga pa din ang Block 1, tapos pumwesto na siya sa harap, kumpleto na ata, magsisimula na, kasama niya sa entablado, si Angel,eto na magsisimula na

Angela: Okay, ngaung kumpleto na ang lahat, hayaan niyong handugan namin kayo ng isang dance number mula sa sikat na grupo ngayon

Angel: Eto na sila, ang PUSAKAT CHIQZ!

Hiyawan ang lahat, " Cathy Cathy Cathy!". ang galing, mahusay, talagang nakakabilib, ang sayaw nila, acrobatic ang mga dance step,, grabe nakaka kilabot, kala mo, mga bulate, Pagkatapos ng napaka daring, sinundan naman ito ng bandang the PIXIES, tinugtog nila ang, acoustic cover nila ng Thanks to You, nahinto ang hiyawan, tahimik ang lahat, ang iba, naluluha, ang iba, hindi maiyak, magkahalong lungkot at ligaya ang nadarama, malulungkot dahil pagtapos ng salo salo, mag hihiwa hiwalay na ulit,masaya naman dahil, nagkita kita muli, ako naman, naalala ko ang college day, lahat, ultimo yung pag rereblock, na talagang kinalungkot ng lahat, Pagtapos ng pagtugtog, tahimik, ang lahat,walang pumapalakpak,dama pa dn cguro nila ang impact sa kanila ng kanta, tumayo si Chard, pumalakpak ng malakas, parang nagtatawag ng kalapati, sumunod ako at pumalakpak, at sunud sunod na ang palakpakan, ang sarap sa tenga, kahit ang naririnig mo lang ay CLAP! CLAP! CLAP!

Tapos na ang performance nang dalawang grupo, hindi nawala ang mga games, sumali ako, at nanalo na naman ng TOMMY HILFIGER, this time, relo na xa, hindi na pouch, masaya ang lahat, sobrang saya, kahit pala anung mangyare sa buhay ng isang block mananatili parin itong SUPER SOLID. Napatigil ako dahil may sumigaw

JAAAYYSSSOOONN!


Nagising ako bigla, si mama tinatawag ako, kakaen na daw, napatingin  ako sa cp, chineck ang oras at ang petsa,02:51pm  August 27, 2011, grabe panaginip lang pala, napangiti ako at nag sabing Sana magkatotoo







Walang komento:

Mag-post ng isang Komento